AN ENCOUNTER WITH AN ANGEL

June 26th, 2007 by angelhoneyliza

i’m writing this coz i want to share my grief; my grief of losing an angel… i’ve been ecstatically waiting for her coming; to hold her…to see her smile… to hear her utter her first word…but what have been situations that i thought only happen in the "soaps" became a reality. She was born prematurely; only 8 months with weak lungs and problematic heart… Then after almost 45 hours of fighting to see the world, my little angel succumb to death inside the incubator. There are lots of questions playing inside my head; why was she given to me if she was meant to be taken away? why do i have to see her angelic face, her fragile body if i will not given a chance to hold her…these and lot of whys… but then, i came to realize that there is someone there with the "Greater Power" who plans things for us, i might not understand the reasons why at this point of time but i believe that whatever it is it will make me a better person; i am just grateful; so greatful that i was given a chance to have an encounter with an angel…

Bookmark and Share

PAALAM KUYA…

May 28th, 2007 by angelhoneyliza

Habang naglalakad ako papalapit sa altar, hindi ko maiwasang tingnan si Jared; ang lalakeng buong buhay kong pinangarap. Sa kanya sumisikat at lumulubog ang bawat araw ko.  Sa kanya, natutunan ko kung paano umibig ng walang hinihintay na kapalit, nabuhay ako sa matatamis nyang salita, sa mga pangako ng walang hanggan. Sabay kaming sumuong at nakibaka sa hamon ng buhay. Unti-unti kaming bumuo ng aming palasyo sa alapaap, hanggang sa hindi na namin namamalayang ang mga panahong pinagsamahan namin ay mga hiram na sandali lamang. Sa kanyang paglisan, sa pagguho ng moog na naging pundasyon ng isang pagsasamang akala koý walang hanggan, walang katumbas na takot ang aking naramdaman. Saan ako mag-uumpisa? paano ang mabuhay ng wala sya sa piling ko? Ano ang bukas na naghihintay sa akin?

Sa aking pagbangon, sa aking unti-unting pagbuo sa pagkataong minsan natimbuwang sa mga hamon, dumating si Jhon at nagsilbing ilaw sa aking paglalakbay. Sa piling nýa unti-unting nakulayan ng rosa ang aking mundong minsang naging kulay abo. Sa kanya, naranasan ko kung paanong ngumiti muli, ngumiti muli sa kabila ng lahat ng mga pagsubok. Kung paanong nabuhay ang kagustuhang masamyo ang halimuyak ng mga bulaklak sa paligid, maramdaman ang lamig ng pagdampi ng hangin sa balat  sa kabila ng init na hatid ng araw.

Ang apat na sulok ng simbahang ito ang magiging saksi sa pagmamahalang yon. At alam ko na kahit ano man ang  mangyari, sabay naming haharapin ang bukas na may pag-asa, na sapat ang pagmamahal namin sa isa’t isa para malagpasan ang ano mang pagsubok na darating, na hindi importante kung saan man kami sa patungo basta magkasama kami sa paglalakbay.

At sa  aking unti-unting paglapit sa harap ng altar, hindi ko maiwasang tapunan ng tingin si Jared, at isang piping panalangin ng pasasalamat  ang tanging nasambit ko at isang pamamaalam sa kapatid ng lalakeng pangangakuan ko ng walang hanggan… “paalam saýo…kuya..”

Bookmark and Share

*** PARA SA KANYA***

April 27th, 2007 by angelhoneyliza

Hindi ikaw ang taong pinangarap kong magkaroon ng malaking bahagi ng buhay ko ngunit ikaw ang dumating; at salamat  dahil binuo mo ang isang bahagi ng aking pagkatao, saýo ko naramdaman kung paano ang magmahal at mahalin, magkaroon ng kulay ang buhay at maging masaya kahit na sabihing panadalian lamang pala ito. Sa sandaling panahong ginugol kong kasama ka, natutunan ko kung paano humabi ng mga pangarap…na ang akala koý  kasama kita sa paglalakbay para maabot ang mga pangarap na ýon… na hindi importante kung gaano man katagal ang paglalakbay, na mas mahalaga ang mga oras na magkasama tayo; ngunit nagkamali pala ako, hindi ko napunang sa gitna ng ating paglalakbay naiwala na pala natin ang isa’t isa… na hindi ko na masundan ang daang nilalakbay mo sa hindi ko malamang kadahilanan.

Unti-unti na kong nakaahon sa lublubang kinasadlakan ko, unti-unting binubuo ang pagkataong nagkalamat dahil sa pagkawala mo. Ngunit ikaw ay tila isang multong bumabalik na para bang may hindi pa natatapos  na mga bagay-bagay; kahit sandali nakuha kong muling ngumiti at umasang madudugtungan pa natin ang kahapon, na ang nakaraan ay isa lamang pagsubok sa tatag ng pundasyon ng ating samahan; hindi ko na namalayang unti-unti na naman akong nahuhulog sa patibong na nilaan mo at eto ako ngayon lugmok sa sakit ng muli mong pagkawala.

Hanggang saan ko iindahin ang sakit? hanggang kelan ako mabubuhay sa pait at poot ng kahapon? Sana hindi mo na ko gambalain para matutunan ko naming muling pahalagahan ang sarili ko ng higit sa pagpapahalagang binigay ko saýo…

Bookmark and Share

a post-christmas sentiment

January 9th, 2007 by angelhoneyliza

People are going from here to there, streets are busy, flooded by multi-colored lights not to mention the cold December breeze…everyone is happy and excited for the Yuletide season except me…

It’s so ironic, in the season of sharing & giving, i lost the one guy i that i had learned to love for a lifetime…it’s very painful to let go of somebody who’ve been my many firsts…someone who have shared my dreams… my lost dreams!

Down the memory lane, i can still remember the silly things we do, the arguments that we had, the times that we sat beside each other, holding each others hand without uttering any word..just simply feeling each others heartbeat.

Then, i woke up…and he is gone…

What is more painful is that, it is not us that brings the separation; i felt that he loved me and i’ll forever love him even in eternity but circumstances will forever be the ghost that will haunt us.

Will he ver come back?

I don’t know but even if he doesn’t… he’ll forever be, my one love, in one lifetime!

Bookmark and Share

sa pagguho ng moog…

January 9th, 2007 by angelhoneyliza

gusto kong magsulat pero sa dami ng mga salitang nag-uunahan sa utak ko wala akong maisulat, hindi ko alam kung paano ako magsisimula… bahala na, naniniwala naman ako sa tuluyan at malayang daloy ng isipan katugma ng damdamin…

madalas kong marinig, sa tuwing magwawakas ang isang relasyon, mas nasasaktan ang taong iniwan dahil sya ang unti-unting pupulot ng mga pira-pirasong bahagi ng kanyang pagkatao dahil  higit syang nasaktan sa paghihiwalay at sýa ang higit na nagdaramdam sa epekto ng paghihiwalay ngunit… kapag nandoon ka sa sitwasyong yon, mapagtatanto mo na mali sila, hindi dahil sa ikaw ang tumapos ng relasyon ay hindi ka masasaktan o hindi ka iiyak. isang matagal na proseso ang makakapagpapasya sa isang tao na tapusin na ang isang relasyong binuo rin ng kung ilang panahon; mahirap putulin ang isang relasyong pinagbuhusan mo ng panahon dahil sabay kayong humabi ng mga pangarap, sabay na hinarap ang mga problemang pumanday sa tibay ng inyong pagsasama ngunit, dumadating din pala sa puntong kahit gusto mo pang ipagpatuloy ang paglalakbay ng magkasama, isang bahagi ng pagkatao mo ang tumututol na ipagpatuloy pa ito; hindi sapat ang pagmamahal para maipagpatuloy ang paglalakbay ng magkasama; na higit pagsandal sa mga balikat nýa kailangan mo ng  katiyakan na  kahit anong mangyari magkasama nyo haharapin ang mga pagsubok…na higit sa paghawak nya sa mga kamay mo, mas importante na magkatagpo ang inyong mga puso… na higit sa pagtayo ng palasyo sa alapaap  mas kailangan na maunawaan nyo ang bawat isa.

ngunit paano kung  ang pag-ibig na nagsisilbing moog na kanlungan ng inyong relasyon ay unti-unting gumuguho  na, na dahil sa pinasama-samang mga elemento ay tuluyan na itong bumagsak.

ang sabi nila, ang pag-ibig daw ay katulad ng damong ligaw, kusang nabubuhay sa iba’t ibang lugar; sa batuhan man o sa kaparangan, natatagalan ang ano mang uri ng panahon… ganito ang pag-ibig na tunay at wagas…

Bookmark and Share

Gulo

November 22nd, 2005 by angelhoneyliza

Nilisan ko ang apat na sulok ng kolehiyo upang makipagsapalaran sa tinatawag nilang  “corporate jungle” na ang tanging sandatang dala ay   pag-asa  hatid ng mga batayang naging gabay para makuha ang tinatawag na diploma…

“This is it!” , andito na ko sa sinasabi nilang mundo, ang mundo ng pakikibaka para makamtan ang self-actualization… pero nabulag ako ng kutitap ng mga ilaw, ng ningning ng mga nagtatayugang gusali na tila ba nagbabadya ng isang libo’t isang laksang pangako. Ngayon,  napatunayan ko na mahalaga palang mamulat sa mga bagay na dapat kamulatan. Sa mundong ’to hindi importante kung gaano ka talino, kung ilang medalya nag naiakyat mo sa bahay n’yo kundi kung gaano ka kagaling humarap sa mga challenges, sa madaling salita…diskarte.

In this corporate arena, where existence is like survival of the fittest, kailangan mong matutunan  sundan ang  daloy ng tubig, sabayan ang tugtog para maging “in”. Hindi maiiwasang may mga naghaharing uri  at ginagamit ang lakas para magmistulang alipin ang nasa ibaba, hanggang sa ang mga nasa mababang uri ay unti-unti na ring lamunin ng ganitong sistema  at darating ang panahong katulad ng langaw na dumapo sa kalabaw, pakiramdam nila’y kalabaw na rin sila…

Ayokong lamunin ng ganitong sistema, ayokong sumakay sa bangkang  kinabibilangan nila at lumubog kasama nila. Hanggat maaga habang bukas pa ang mga mata ko sa mga katiwaliang ito, kailangan ko ng kumilos… ngunit pano? San ako magsisisimula?

Sa palagay ko, kailangan ko ng lumabas sa kahong kinaluluklukan ko… habang may natitira pang ningas ng pag-asa sa aking pagkatao…

Bookmark and Share

so tired!

April 23rd, 2005 by angelhoneyliza

It’s been a very tiring week! para akong trumpo sa dami ng ginagawa…ironic as it is, when i’m still studying, gusto ko ng hilahin ang panahon para makapagtrabaho na but then when I entered the corporate jungle, I realized that napakahirap kumita ng pera that it’s more fun to go school, mapapagod ka nga sa mga projects but there’s always a summer vacation para makapag-unwind…pumunta sa beach or sa Baguio na di mo paghihirapan ang perang gagastusin mo, nandyan ang parents to provide the money pero ngayon, ilang beses mo munang isipin ang mga priorities mong dapat bilhin ‘coz you know that it’s hard earned money… hay, pwede pa kayang magtime travel sa past pansamantala?

Bookmark and Share